Friday, January 22, 2010

Together again: Kris Aquino and James Yap

SOURCE: GMANEWS.TV

Matapos ang higit sa isang linggong naging hot news ang pinakabagong isyu na dinadaanan ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap, tiyak na matutuwa ang mga fans nila dahil nagkabalikan na raw ang dalawa.

Dalawang araw lamang makalipas ang napabalitang pag-alis ni Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Baby James mula sa bahay nila sa Valle Verde 2, bumalik na ang mag-ina sa kanilang tahanan.

Sa biro na lang dinaan ni Kris ang kanyang mga sagot sa tanong ng mga reporters. “Magkasama na kami. Pero pina-punish ko pa s’ya ng konti."

Nakipagbati na raw si Kris alang-alang na rin kina Joshua at James na lubos na naapektuhan sa pangyayari.

Nakipag-ayos na rin si Kris sa pamilya ni Mayen Austria, ang babaeng sinasabing naging ugat ng away nilang mag-asawa. Sabi ni Kris: “Na-appreciate naman nila ang ginawa kong pag-sorry sa mom [ni Mayen Austria]. At sila rin [naman] ng paumanhin [sa akin]."

Lilipat muna ang pamilya ni Kris sa isang condo sa Taguig habang ginagawa pa ang condo nila sa Makati.

Bagama’t natapos na ang latest na isyu nilang mag-asawa, sabi lamang ni Kris, “It’s a work in progress." - Saksi/FVI, GMANews.TV

No comments:

Post a Comment